Monday, October 25, 2010

OLD SKUL

Jeffrey R. Ballares

(Excerpt)

Umaga.

Habang nilalamukos ko ang aking mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog ay agad kong kinuha ang aking cellphone at sinilip kung may mga mensahe akong natanggap. Mangyari pa, higit sa sampung text messages ang bumulaga sa akin ng umagang iyon.

Pero isang text message ang pumukaw sa diwa ko ng oras na iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil totoong nakakatuwa ang nilalaman nito.

Ito ang laman ng text:

“Kung kabilang ka

sa huling taon ng dekada

’80 at unang taon ng dekada ’90...



Kilala mo cna

Shaider, Bioman

at Masked Rider Black!



Kumakain ka ng Humpy Dumpy at Tomy,

naglalaro ka ng 10-20 at Langit at Lupa



alam mo ang universal

song na “Uwian na!”



Nagsayaw ka ng Macarena, Boombastic at Dr. Jones!



alam mo ang ibig sabihin

ng time first (mostly pronounced as taympers!)



Alam mo rin na importante

ang “Period. No erase!”


Nilalagyan mo ng Pritos Ring ang bawat daliri mo!



Meron ka ring pencil case

na may 2nd floor



Kilala mo sina Remi, Cedie,

Princess Sarah at Blue Blink!



at naniniwala ka na nanganganak

ang mga kisses!



Natatawa ka? Matanda ka na! Hahaha!”

Nakarelate ka ba? Hahaha. =]