Ni Jeffrey R. Ballares
(Pananaw)
Umaga.
Nagmamadali akong pumasok sa opisina dahil kapag nagbagal ako sa kilos ay maaaring ma-late ako. Pagtapat na pagtapat ko sa kahabaan ng kalsada ay pumara agad ako ng FX upang simulan ang mahaba ko na namang biyahe papasok sa trabaho.
Pagkapasok ko sa sasakyan ay agad akong bumunot ng pamasahe.
Isang daan ang nabunot ko mula sa loob ng aking bulsa.
“Manong bayad po.” sabi ko saka iniabot ang bayad.
Hindi ako kaagad nabigyan ng sukli ng drayber dahil naturalmente, malaki ang pamasaheng ibinayad ko ng umagang iyon.
Minabuti ko na lamang makinig ng music sa dala kong Ipod.
Lumipas pa ang ilang sandali, nakarating na ako sa istasyon ng tren na susunod kong sasakyan papasok sa trabaho. Habang binabaybay ko ang daan papunta sa istasyon ay may naalala ako bigla.
ANG SUKLI KO!!!!
Hindi ako nasuklian ng drayber ng FX...
At talagang nanghinayang ako sa sukli kong Php75.00!
Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagkadismaya. Inisip ko na lang na idinonasyon ko na lang ang sukling iyon sa simbahan.
Ilang sandali pa ang lumipas, nakarating na nga ako sa opisina.
Agad akong sinalubong ng isa kong ka-officemate pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa entrance.
“Jeff, ito na pala yung Php200.00 na inutang ko sayo noong isang araw. Salamat ha!” iniabot sa akin ng katrabaho ko ang pera.
“Uy! Oo nga no?” sa totoo lang, nawala na sa isip ko ang utang niyang iyon. “Salamat din!” ang nasabi ko na lang.
Tuloy-tuloy akong tumungo sa cubicle ko ng may ngiti sa labi. Naibulong ko sa sarili ko: “Kita mo nga naman, nawalan nga ako ng Php75.00, napalitan naman kaagad ng Php200.00. Thank you Lord!”
Hindi lang iyon. Tunay nga na may blessings si Lord.
Kinagabihan, Christmas party ng departamento namin. Isang Gift Certificate worth Php100.00 naman ang napanalunan ko.
Ang swerte nga naman!
Natapos ang araw ng may natutunan ako sa isang di magandang pangyayaring nasimulan ng aking umaga.
Natutunan ko na imbes na masira ang umaga ko dahil sa nangyari ay mas pinili kong isipin na napunta na lamang sa mabuting kamay ang aking nawalang sukli.
No comments:
Post a Comment